Traversing From One Point to Another

TRIBU is Best Picture in Cinemalaya 2007

July 31, 2007 · Leave a Comment

Congratulations to the winners of Cinemalaya!

Best Picture – Jim Libiran (Tribu)*

Jury Prize – Jade Lopez, Ned Trespeces, Michiko Yamamoto (Endo)

Best Actor – Tribu’s ensemble of non-professional actors
Best Actress – Ina Feleo (Endo)
Best Sound – Marc Laccay (Tribu )
Best Cinematography – Rodolfo Aves (Kadin)
Best Screenplay – Dennis Marasigan, Nikki Torres and Mara Marasigan (Tukso)
Best Editing – JD Domingo (Endo)
Best Musical Score – Jerrold Tarog (Kadin)
Best Production Design – Martin Masadao, Regie Regalado, Dante Garcia, Endi “Hai” Balbuena (Pisay)
Best Director - Aureus Solito (Pisay)

SHORTS

Best Short Feature – Alvin Yapan (Rolyo)
Special Jury Prize – Enrico Aragon (Nineball)
Best Direction – Emmanuel dela Cruz (Gabon)
Best Screenplay – Vic Acedillo (To Ni)

* Congratulations to Jim Libiran and the producers of Tribu for bagging the Best Picture award. Tribu is actually Libiran’s thesis for the Master of Arts in Film program at the UP Film Institute. He is yet to defend it to receive the degree. As a fellow MA Film student (also in UP), Jim gave me the boost. I’m really looking forward to my thesis.

This is an article about Jim Libiran:

TRIBU

Nanghihinayang nga si Jim Libiran, bagong direktor ng pelikula at kasalukuyang pinuno ng Public Affairs ng Channel 5 sa hindi niya pag-aaral sa Mowelfund ng filmmaking pero naka-enroll siya ngayon sa programang Master of Arts in Film sa UP Film Institute.

Gayunman, nakapasa ang iskrip ni Jim sa ikatlong Cinemalaya Film Festival para sa Cultural Center of the Philippines na ipapalabas sa July. Ang kanyang nanunuot-sa-laman-at-utak na digital film, ang Tribu ay napili ng inampalan para bigyan ng budget na P500,000 at dito ay nagpapasalamat siya bagamat abonado pa rin siya ng P750,000 para maipalabas nang mas maganda ang kanyang obra.

Ang inaabangang Tribu ay tungkol sa mga gang sa Tondo. “Tunay na mga gangster ang bida ko rito pero kasama rin ang anak nina Irma Adlawan at Dennis Marasigan pati ’yong isang member ng Tropical Depression. Exciting ang humawak sa mga taga-Vitas, Tondo para paartehin sa pelikula,” pahayag ni Jim na unang lumikha ng usap-usapan nang sulatin niya kasama ang isa pang peryodista na si Tonypet Rosales ang Xerex na serye sa Abante.

Umigting ang pagnanasa ni Libiran na maging filmmaker nang siya ay reporter pa lang. “Na-cover ko ang Vitas, Tondo at naging exposed ako sa mundo ng kabataang gangsterismo. Iba sila. Talagang makulay ang buhay nila kaya I was inspired by it. Tinandaan ko ang kuwento nila kaya nang gumawa ako ng project for my MA sa UP, ito ang ginawa ko. Actually, extended academic film project ang Tribu sa Cinemalaya.”

Propesor ni Jim si Armando “Bing” Lao at nang mabasa nito ang dulang pampelikula ng estudyante, namilog ang mga mata ng guro sa pananabik at sinabing maganda ito, puwedeng isali sa mga kompetisyon na siya ngang ginawa ni Libiran.
Ora mismo, nagustuhan ng mga hurado ang iskrip kaya lang ay may humamon sa kanya na isang intelektuwal: “Ang iskrip ay hindi pa pelikula kaya kailangang patunayan mo sa paggawa nito na maganda talaga ang iskrip mo.”

Kaya nakiliti at naitulak ang kanyang imahinasyon sa mas malawak na mundo ng paggawa ng pelikula.

Sinabi ni Jim na baka hindi maaprubahan ng Movie and Television Review and Classification Board ang kanyang obra maestra dahil matindi ang karahasan nito at may seksuwal na mga tagpo na sukat ikaangat ng kilay ng mga konserbatibo at tradisyunal kabilang din ang mga reaksiyunaryo.

“Pero pinatunayan ko sa pelikula na nagbabago ang masasama. Kahit na mga sanggano ang mga artista at ang kuwento nila, mararahas, masasama, pumapatay—kung hinahamon at minamaliit at niloloko—may pagkakataon na magbabago sila para bumuti kung pakikisamahan at uunawain sila,” sabi ni Libiran.

Si Lino Brocka anya ang kanyang impluwensiya.

Sana ay magtagumpay si Jim sa kanyang bagong pinasok na propesyon kahit na mabato at baku-bako.

Article grabbed here.

Categories: Film Things

0 responses so far ↓

  • There are no comments yet...Kick things off by filling out the form below.

Leave a Comment